When I was 10 and 8 I heard my father say, give “Alpha the way to the stage and let her perform all day. Do not tell her where the kitchen is because for sure she will not find her way…”
When I was 10 and 10, I heard my father say, “give Alpha tons and tons of books and let her read them all day. Do not give her kitchen duties for she will cry all day.”
When I was 10 and 30, I heard my father say, “In a house where Alpha is I won’t stay. For if I do and indulge with the food and goodies she prepares, in this earth, I'll have a short stay.”
Now that I am 4 and 40, I won’t hear what my father has to say. For he missed how good I have become in the kitchen where I used to frown. I finally found my way to a world and considered the toque a crown.
Note: My father joined the innumerable caravan 4 years ago due to diabetes complications (renal failure).
Tapos na... Tapos na ang prosesyon, tunaw na ang kandila Tapos na ang pagtitika, ang pagbubulay-bulay ng kasalanan sa mga nakaraang araw. Tapos na ang pagbasa ng pasyon at ang pagbisita iglesia Tapos na ang bakasyon, tapos na rin ang traffic…
Hindi pa tapos... Hindi pa tapos ang pagkakalat ng mga taong sumali sa prosesyon na walang pakundangang nagtatapon na kung anu-ano sa kahabaan ng daan na binaybay ng mga naglalakihang karosa… Hindi pa tapos matunaw ang kandila na ginagamit sa brown out na tipong dumadalas ata sa mga nakaraang araw…. Hindi pa tapos ang walang humpay na paggawa natin ng kasalanan dahil minumura natin ang kawawang si Haring Pebo (read: Haring Araw) sa tindi ng sikat niya. Hindi pa tapos ang ang pagdurusa natin na daig pa ng sakit na dulot ng mga sugat at laslas ng mga nagpinitensya…pagdurusa sa kahirapan dulot ng Global Crisis. Hindi pa tapos ang bakasyon ng mga bata na nagdudulot ng magkasabay na saya at lungkot sa mga magulang nila…saya dahil makakapiling nila ang mga ‘to at lungkot dahil high maintainance sila pag Summer- pasa load, mataas na electric bill dahil sa kakapindot ng computer, movie marathon sa DVD player, enrollment sa Summer Workshop, at kung anu-ano pa.
Sana ‘di pa matapos... Sana ‘di pa matapos ang prosesyon para laging nagdarasal ang mga tao… Sana ‘di pa matunaw ang kandila para umabot pa hanggang Araw ng mga Patay… Sana ‘di pa matapos ang ating pagtitika nang sa gano’y pumayat tayo dahil slim is in… Sana ‘di pa matapos ang bakasyon ng mga bata para makabonding pa natin sila at maging close sila lalo sa atin…
Sana matapos na... Sana matapos na ang traffic… Sana matapos na ang Global Crisis...
I composed this for my dear friend Susan. A person I’ve known for about 23 years now. Truth is I always get a pinch, a “strong pat” on the arm, or if she’s feeling cruel, she would strike me with anything she is holding whenever I call her Susan. She would rather love hearing her nickname…DAX…very masculine. Anyway, to tease her further, read on… by the way, I also borrowed a poem by Kris Rights. Happy reading...
Understandably, you don’t like being addressed as Susan by your friends. Getting scared probably of the 57 variant forms of your personality they have to deal with…adorable, adventurous, aggressive, alert, attractive, beautiful, bright, clean, clear, cute, elegant, exciting, fancy, glamorous, gleaming, gorgeous, graceful, beautiful, magnificent, poised, precious, sparkling, spotless, alive, best, beautiful, brainy, busy, careful, cautious, clever, clumsy, concerned, crazy, beautiful, different, easy, expensive, fragile, frail, gifted, helpful, important, impossible, innocent, inquisitive, modern, open, outstanding, powerful, real, rich, sleepy, super, talented, and tough, by the way, did I mention beautiful?
Sometimes you’re just worried I might not like calling you Susan but the thing here is I started liking to address you SUSAN…soooo girly…. Besides, I am having fun teasing you…so nice to be little girls again at times.
Anonymous? You can never be anonymous in my life. Maybe old age will make me forget your name but the space you occupy in my heart, I won’t. You are a part of my life… a part of my world.
No one will ever replace you in my heart…you are my friend, my dear, dear friend. You are attached to me not only by feelings of affection but for many reasons.
The Whispering Winds
(Kris Rights)
Susan, Like the wind whispering through the trees
Your spirit lifts me
Teaching me valuable lessons.
I wait patiently to grow in the light of your eyes
Seeking approval, knowing
There's comfort in your silent embrace,
And I listen carefully to what it offers.
I feel the joy in your laughter and trusting eyes
And learn to give of myself, for no judgment is passed.
When sadness fills my heart with disappointment
And I need protection from the storm,
It is only then I realize the depth of friendship
Sewn together with unbreakable thread.
I understand that the fabric only gets better with age,
That it should be handled with care
And sometimes it has to rain.
I have discovered my own beauty
By lessons learned while discovering yours.
Like a beautiful sky after the storm
Your courage to break free of the clouds
Still amazes me.
I close my eyes to feel the warmth of the sun
Such a precious gift you've given
Appreciating the gentleness and I sigh with thankfulness
Recognizing my fortune.
A sisterly bond that knows only
Love that is unconditional.
Nurturing with grace and acceptance
How lucky
To share a piece of my life with a soul that so perfectly fits mine.
A puzzle with missing pieces
Now complete
How sad for those who are still searching.
My blessings are abundant
And I thank God for the whispering winds,
For they remind me everyday
To celebrate the gift of our friendship and to hold it close,
To never let it go.
Marami akong nasasaksihan pag ako’y nakasakay sa pampasaherong jeep. Ang iba nakakatuwa at ang iba naman nakakainis. Pero ano mang klase ang mga ito madalas nakakapagpasaya naman pag ikinukwento ko sa mga kaibigan ko….
Unang kwento
Pasakay si lola sa jeep kasama ang anim na taong gulang na apo. Dialogue ni Lola: "Bilisan mo" (habang tinutulak si apo papasok sa jeep) upo ka na kagad sa dulo. (medyo matutumba si apo) "Ano ka ba naman, bilisan mo." (Makakaupo na si lola katabi si apo at biglang magkukwento ng talambuhay ni apo) "Sa ‘kin na lumaki ‘tong batang ‘to. Wala kasi yung nanay…anak ko ang nanay nito." (Palipat lipat ang tingin sa mga pasahero na parang nag-iispeech). "Wala na ‘tong tatay, iniwan ng dyaske ang anak ko nung isang taon pa lang ‘to "(sabay haplos sa buhok pero biglang bibitawan dahil pawis na pawis si apo). "Yung nanay naman nito, nasa abrod, domestic" (read: domestic helper). "Buti naman nakakapagpadala kahit konti…eh ako, nagtitinda tinda ng kung ano-ano sa may amin…blah, blah, blah, blah, blah, blah…"(Background music: Maalaala mo kaya)
Pangalawang kwento
Pagkatapos ng may isang oras na paghihintay ng mag-inang galing sa SM, lumarga na rin sa wakas ang pampasaherong jeep. Kaharap ni nanay ang isang napakagandang mestisahin na bata. Batang namumula ang pisngi at balat dahil galing lang sa pagswimming. Dialogue ni tisay: "Dadaan po ba ng Avida ito," pabulong na tanong sa katabi niyang ale na may karay-karay na dalawang paslit. "Di ko alam," sagot ni ale. (Sasabad si inay na galing ng SM) "Ano yong tinatanong mo?" (Tipong magpapaka good Samaritan si inay.) "Ay, sa MacArthur yun. Sa NLEX kasi tayo dumaan. "(Mukhang mababahala si tisay) "Malayo po ba?" (maaawa si inay na galing ng SM) "Sige, sasamahan kita sa paradahan ng jeep. "(Natuwa si tisay pero nalungkot ulit) "Kasya po ba ang 10 pesos papunta don?" (Dudukut si inay ng 20 pesos sa wallet sabay dialogue) "bigyan kita ng twenty. " "Thank you, po, sagot ni tisay."(Natuwa si inay na galing ng SM at dumukut uli ng sampung piso sabay bigay kay tisay) "eto pa, baka kulang ang twenty." Pagdating sa babaan sinabay na ng mag-ina si tisay sa sakayan papuntang terminal ng San Fernando. Pero medyo nagworry si inay na galing ng SM. "Sige ihahatid na kita sa terminal. "Ibinaba si tisay sa terminal. Isinakay sa jeep papuntang San Fernando, sabay bilin ng ganito kay mamang driver: "kuya pakibaba sa may sindalan itong bata. " Tapos ang kwento. Masaya ang ending.
Pangatlong kwento
Dalawang magnanay na masayang kumakain ng mais sa jeep. Nagkukwentuhan pa sila habang puno ang mga bibig nila. Bonding moment ni nanay at anak. Sa sobrang saya di napapansin ni inay na nagdidikitan sa mukha niya ang mga butil ng mais. Sa sobrang saya din nakisaya na rin yung ale na nasa harapan nila. Simpleng buhay, simpleng kasiyahan. Pagkatapos kumain ay buong ingat na ibinalot ni nanay ang busal ng mais sa plastic. Natuwa na naman si ale. Concerned citizen, sabi nya sa isip nya. Kaya lang napalitan ng ismid ang saya ng ale nang buong lakas na inihagis ni nanay sa labas ng jeep ang kalat nila. Sa isip ng ale gusto niyang ihagis din palabas ng jeep ang mag-ina.
Nuong ako'y bata pa akala ko madali ang mag-asawa basta may syota ka. Nang ako’y mag-asawa na nalaman ko mahirap pala…
Nuong ako’y bata pa akala ko madali ang magkaanak basta may asawa ka. Ngayong ako ay may anak na, naisip ko mahirap pala pag pinapalaki mo na sila…
Nuong ako'y bata pa akala ko basta may anak ka na, nanay na ang tawag sa’yo, yun pala mahirap ang magpakananay…
Nuong ako’y bata pa akala ko madali ang maging guro, yun pala mas mahirap magpakaguro…
Nuong ako'y bata pa akala ko basta close ka sa tao, friend mo na sya…yun pala, mahirap maghanap ng kaibigan…
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata akala ko ay mali pala…
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata nalaman ko mas madali pala ang may asawa kesa sa wala. May kausap ka gabi-gabi lalo na ngayon na ‘di ka na makahabol sa pinaguusapan ng mga anak mo.
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata nalaman ko masaya ang magpalaki ng anak. Lalo na pag nakikita mo ang younger version ng asawa mo sa kanila. Excited rin ako na makita sila sa eksaktong edad kapareho ng tatay nila nuong nagliligawan pa lang kami.
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata nalaman ko na masarap sa tenga ang matawag na nanay – totoong nanay ka man o nanay- nanayan ka lang ng pinapalaki mong anak.
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata nalaman ko na mas madali ang maging guro pag mayaman ka na sa karanasan. Ikaw ay papapel bilang nanay-nanayan ng mga batang tinuturuan mo. Umaasa din sa’ yo ang sambayanan. Sabi nga sa Ingles, “teachers make all professions possible”. Bigat, no?
Ngayong ako’y medyo ‘di na bata nalaman ko madaling maghanap ng kaibigan kung ikaw ay isa ring kaibigan. At ‘pag nakita mo na ang isang tunay na kaibigan, pahalagahan mo siya at mahalin…
'Yan si Ronald…parang steak… Bilang guro…well done! Bilang tao…medium rare kung magalit. Bilang kaibigan…rare Bilang ulam…bistek Tagalog… Ang lifestyle…parang steak ala pobre Pero ang laman ng utak…kobe beef.