Ang kabayo sa hood ng sarao na jeep… actually, ang Sarao ay isang tanging ngalan ng klase ng jeepney na gawa ng Sarao Motors. Custom made ito at may humigit kumulang sa 2 metro ang haba. Isa itong makulay na sasakyan na napapalamutian ng mga kung ano-ano kasama na nga ang kabayong ‘di tumatakbo sa hood nito. Bata pa ko sanay na ko sumakay ng sarao…madalas nakakalong ako sa ate o kuya namin,pag konti ang pasahero o kung may sobrang pera ang mga utol ko pwede akong umupo. Kaming anim na magkakapatid ay nabuhay na bahagi ang sasakyang ‘to. Syempre, ‘di naman afford bumili ng kahit man lang owner ng tatang namin. Biro mo, 5 kaming ginapang ng magulang namin para lang makapag-aral sa private school, sa Holy Angel College na university na ngayon. Yun nga palang tatang namin, dating employed ng mga kano sa Clark Air Base. Kaya lang, nabalitaan niya na may scholarship grant sa mga anak ng mga empleyado sa HAU kung kaya bigla siyang nag goodbye sa kanila at mas pinili niyang magbutingting ng mga typewriter sa mga opisina ng HAU na pag-aari ng mga Nepomuceno. Ayun, sikat kami bigla sa neighborhood. Biro mo sa lahat ng mga bata sa lugar namin, kami lang ang nakauniporme kulay abo ng sikat na private school.
Kasabay ng pagiging astig ng foundation namin sa edukasyon ay ang konting sakripisyo naming magkakapatid. Minsan, sa sobrang kulang ng budget namin, di na kami nakakasakay sa sarao na may kabayo sa hood. Naglalakad lang kami papuntang HAU. Uumpisahan namin yun sa crossing (malapit yun sa pwesto ni Aling Lucing Sisig) hanggang sa makarating kami sa eskwelahan. Nuong grade school na ko, nakabili ng bike ung tatang namin. Yung playboy style na tinatawag. Madalas pinagpipilitan namin ng isa kong kapatid na pagkasyahin ang mga puwet namin sa napakaliit na space ng bisikletang yun para maklibre kami ng pamasahe. Ginagawa namin un pag close to payday na at di na kayang i-stretch ng ima namin ang budget sa bahay.Naalala ko pa nung first time naming umangkas sa bisikleta ng tatang namin. Sa sobrang sakit ng katawan namin ng utol ko ‘di kami nakapasok kinahapunan sa eskwela.Isa pang sakripisyo na ginawa namin ay ang pakikisama sa mga kaklase namin na medyo may kaya sa buhay. Syempre, private school ang HAU kung kaya ang mga gaya namin na nagpipilit na taasan ang balor namin sa pamamagitan ng magandang edukasyon eh, nahihirapan makiblend. Sa unang tingin, “others” ka dahil sa suot mong kupas na uniporme o school bag mo na ‘di uso. kahit kasi bata pa ko uso na ung bullying. Pero pag tumagatagal na di mo na papansinin yun kasi kahit ikaw ‘di ka na nila papansinin. Yung kapatid ko, okay lang yun kasi marunong sa klase yun. Ako, marunong din ako pero mas affected ako dahil pikon nga ako.
Mabalik pala tayo sa sarao na jeep…di nagtagal, napansin ko na unti-unting dumadami ang dating nag-iisang kabayo sa hood ng sarao. Sa sobrang dami minsan nila ay halos mapuno ang hood. Kung medyo maarte pa ang driver nito lalagyan pa niya ng ribbon na gawa sa plastic na nililipad lipad pa ng hangin habang paspas ito sa pagtakbo dahil sa pakikipag-agawan n’ya ng pasahero. King of the Road, ika nga. Nung mag high school na ‘ko, pinalad akong makapag-aral sa Maynila. Kasabay ng pag-asenso ng utak ko sa maraming bagay ay ang lalong pagdami ng palamuti ng sarao. Kung dati ay kelangan mong ikatok ang piso mo sa bubong nito ay di na kelangan dahil bigla na lang naimbento ang tali na siya mong hihilahin pag pumara ka. Kelangan mo talaga ng buzzer na yon para marinig ka ng driver na sweet lover dahil super lakas ang stereo niya na walang sawa sa pagdagundong. Sabi nga nila, necessity is the mother of invention.Sa sobrang lakas ng stereo niya ay di na tuloy makapagpalipad hangin ang mga binata sa mga kasakay nilang dalaga.At sa sobrang lakas din ng stereo di ka na pwedeng matulog kahit isang oras pa ang layo mo sa bababaan mo.
Marami akong naging experience sa pagsakay ko sa sarao, lalo na nung high school ako. Mga karanasan na nakakahiya, nakakatakot at higit sa lahat nakakadismaya. Unahin natin ang nakakadismaya. Isang araw, may nakasakay akong isang nanay na may bitbit na anak. Masaya silang kumakain ng nilagang mais. Sa sobrang saya nga nila, di napapansin ni nanay na nagsasabitan na ang mga mumunting butil ng mais sa mukha niya. Nangingiti-ngiti ako dahil nakisasali na rin ako sa kaligayahan nila. Maya-maya napalitan ng ismid at simangot ang konting ngiti na nakapinta sa mukha ko. Bakit? Aba, si nanay, pagkatapos nilang maging masaya buong ingat niyang ibinalot sa plastic ang balat at busal ng mais at buong ningning niyang itinapon na lang basta sa labas ng sarao. Ayun, di bale ng madumi sa daan basta malinis lang sa sarao. Ang pangalawa ay ang nakakatakot at nakahiyang pangyayari. Di ko nga alam kung dapat ko pang ikwento ito o hindi na. Isang araw may nakatabi ako sa sarao na may kabayo nga sa hood, ng isang mamang payat na maputi. Sa sobrang dami ng mga pasahero ay halos maamoy ko ang hininga niya. Kasabay ng pag alog namin sa sarao ay ang pagkapa niya sa may zipper ng uniporme ko. Ewan ko ba kung bakit ang zipper ng palda sa high school ay nasa left side ng palda? Ginawa na lang sana sa likuran para naman malayo sa disgrasya. Pero mabalik tayo sa mamang payat na maputi. Nag - enjoy yata sa pagbukas ng zipper ko buti nal ang nakashorts ako nung time na yon dahil PE day namin. Shocked ako pero di na lang kumibo. Pag katorse anyos ka kasi di ka pa marunong ng eskandalo. Gusto ko man siyang murahin pero di ko nagawa. Buti na lang at bago pa nalaman ng mamang payat na maputi ang color ng shorts ko ay nakarating na ang sarao sa may lerma…dali dali akong bumaba at dinagger look ko pa si mamang payat na maputi… pero ang tanong, may silbi pa kaya yon? Ang pangatlong karanasan ay medyo nakakainip. Isang hapon sa may Espana, inabutan kami ng flashflood ng kaklase kong taga Murphy dahil sa malakas na ulan. Gustuhin man naming sumakay ng sarao ay ‘di pwede dahil dagsa ang pasahero. Inabutan kami ng gabi sa daan, mga lampas alas diyes siguro. Hanggang sa napilitan na lang kaming magtaxi hanggang Cubao. Naghiwalay kami sa Cubao. Siya papunta sa kanila, ako sa amin. Salamat sa Diyos at may nakapila pang color coded na sarao papunta sa amin. Salamat sa sarao na may kabayo sa hood at ‘di ako umabot ng hatinggabi sa daan…lampas ng alas onse lang ng gabi.
Mabalik uli tayo sa kabayo sa hood ng sarao? Saan ba gawa ito? Sa bakal ba o aluminyo? Bakit Kabayo ang napiling palamuti sa hood ng sarao? Bakit ‘di na lang si Batman para at least, makakalipad siya ‘pag matraffic. O kaya si Dyesebel na lang para makalangoy siya pag baha. Bakit nga ba kabayo? Dahil ba sa kasingbilis ng kabayo ang sarao o dahil kasing - astig nito ang kabayo?

No comments:
Post a Comment