Tapos na ang prosesyon, tunaw na ang kandila
Tapos na ang pagtitika, ang pagbubulay-bulay ng kasalanan sa mga nakaraang araw.
Tapos na ang pagbasa ng pasyon at ang pagbisita iglesia
Tapos na ang bakasyon, tapos na rin ang traffic…
Hindi pa tapos...
Hindi pa tapos ang pagkakalat ng mga taong sumali sa prosesyon na walang pakundangang nagtatapon na kung anu-ano sa kahabaan ng daan na binaybay ng mga naglalakihang karosa…
Hindi pa tapos matunaw ang kandila na ginagamit sa brown out na tipong dumadalas ata sa mga nakaraang araw….
Hindi pa tapos ang walang humpay na paggawa natin ng kasalanan dahil minumura natin ang kawawang si Haring Pebo (read: Haring Araw) sa tindi ng sikat niya.
Hindi pa tapos ang ang pagdurusa natin na daig pa ng sakit na dulot ng mga sugat at laslas ng mga nagpinitensya…pagdurusa sa kahirapan dulot ng Global Crisis.
Hindi pa tapos ang bakasyon ng mga bata na nagdudulot ng magkasabay na saya at lungkot sa mga magulang nila…saya dahil makakapiling nila ang mga ‘to at lungkot dahil high maintainance sila pag Summer- pasa load, mataas na electric bill dahil sa kakapindot ng computer, movie marathon sa DVD player, enrollment sa Summer Workshop, at kung anu-ano pa.
Sana ‘di pa matapos...
Sana ‘di pa matapos ang prosesyon para laging nagdarasal ang mga tao…
Sana ‘di pa matunaw ang kandila para umabot pa hanggang Araw ng mga Patay…
Sana ‘di pa matapos ang ating pagtitika nang sa gano’y pumayat tayo dahil slim is in…
Sana ‘di pa matapos ang bakasyon ng mga bata para makabonding pa natin sila at maging close sila lalo sa atin…
Sana matapos na...
Sana matapos na ang traffic…
Sana matapos na ang Global Crisis...
No comments:
Post a Comment