Wednesday, April 15, 2009

Kwentong Commuter


Marami akong nasasaksihan pag ako’y nakasakay sa pampasaherong jeep. Ang iba nakakatuwa at ang iba naman nakakainis. Pero ano mang klase ang mga ito madalas nakakapagpasaya naman pag ikinukwento ko sa mga kaibigan ko….

Unang kwento

Pasakay si lola sa jeep kasama ang anim na taong gulang na apo.
Dialogue ni Lola: "Bilisan mo" (habang tinutulak si apo papasok sa jeep) upo ka na kagad sa dulo. (medyo matutumba si apo) "Ano ka ba naman, bilisan mo." (Makakaupo na si lola katabi si apo at biglang magkukwento ng talambuhay ni apo) "Sa ‘kin na lumaki ‘tong batang ‘to. Wala kasi yung nanay…anak ko ang nanay nito." (Palipat lipat ang tingin sa mga pasahero na parang nag-iispeech). "Wala na ‘tong tatay, iniwan ng dyaske ang anak ko nung isang taon pa lang ‘to "(sabay haplos sa buhok pero biglang bibitawan dahil pawis na pawis si apo). "Yung nanay naman nito, nasa abrod, domestic" (read: domestic helper). "Buti naman nakakapagpadala kahit konti…eh ako, nagtitinda tinda ng kung ano-ano sa may amin…blah, blah, blah, blah, blah, blah…"(Background music: Maalaala mo kaya)

Pangalawang kwento

Pagkatapos ng may isang oras na paghihintay ng mag-inang galing sa SM, lumarga na rin sa wakas ang pampasaherong jeep. Kaharap ni nanay ang isang napakagandang mestisahin na bata. Batang namumula ang pisngi at balat dahil galing lang sa pagswimming.
Dialogue ni tisay: "Dadaan po ba ng Avida ito," pabulong na tanong sa katabi niyang ale na may karay-karay na dalawang paslit. "Di ko alam," sagot ni ale. (Sasabad si inay na galing ng SM) "Ano yong tinatanong mo?" (Tipong magpapaka good Samaritan si inay.)
"Ay, sa MacArthur yun. Sa NLEX kasi tayo dumaan. "(Mukhang mababahala si tisay) "Malayo po ba?" (maaawa si inay na galing ng SM) "Sige, sasamahan kita sa paradahan ng jeep. "(Natuwa si tisay pero nalungkot ulit) "Kasya po ba ang 10 pesos papunta don?"
(Dudukut si inay ng 20 pesos sa wallet sabay dialogue) "bigyan kita ng twenty. " "Thank you, po, sagot ni tisay."(Natuwa si inay na galing ng SM at dumukut uli ng sampung piso sabay bigay kay tisay) "eto pa, baka kulang ang twenty." Pagdating sa babaan sinabay na ng mag-ina si tisay sa sakayan papuntang terminal ng San Fernando. Pero medyo nagworry si inay na galing ng SM. "Sige ihahatid na kita sa terminal. "Ibinaba si tisay sa terminal. Isinakay sa jeep papuntang San Fernando, sabay bilin ng ganito kay mamang driver: "kuya pakibaba sa may sindalan itong bata. " Tapos ang kwento. Masaya ang ending.

Pangatlong kwento

Dalawang magnanay na masayang kumakain ng mais sa jeep. Nagkukwentuhan pa sila habang puno ang mga bibig nila. Bonding moment ni nanay at anak. Sa sobrang saya di napapansin ni inay na nagdidikitan sa mukha niya ang mga butil ng mais. Sa sobrang saya din nakisaya na rin yung ale na nasa harapan nila. Simpleng buhay, simpleng kasiyahan. Pagkatapos kumain ay buong ingat na ibinalot ni nanay ang busal ng mais sa plastic. Natuwa na naman si ale. Concerned citizen, sabi nya sa isip nya. Kaya lang napalitan ng ismid ang saya ng ale nang buong lakas na inihagis ni nanay sa labas ng jeep ang kalat nila. Sa isip ng ale gusto niyang ihagis din palabas ng jeep ang mag-ina.

Pang-apat na kwento...

Next time na lang, pagod na ko.

No comments:

Post a Comment